Right now, I have 5 million things to do, and all I do is to blog hehehe..
Kagabi sa isang di sinasadyang pagkakataon eh napadpad ako UP diliman. Wala lang, sumabay ako sa boss ko sa paniniwalang may masasakyan ako mula sa naturang lugar. Laking gulat ko ng sabihin saking wala na plang jeep na byaheng Tandang Sora pag gabi. Kaya dahil ako'y pagod, gutom, at mukhang estudyanteng nawawala, eto ang ginawa ko --> nagfood trip.
Nakakita ako ng kwek kwek. Pakitama ako kung ako ay nagkakamali, pero kwek kwek ang tawag sa malalaking toknene, or vice versa. Ito yung penoy na binalot sa orange na mixture ng itlog, harina, food coloring at germs at pagkatapos ay piniprito (deep fry) sa kumukulong mantika. Naalala ko pa, ito ang paborito naming kainin ng una kong boyfriend ng kami ay mga bubuwit na high school pa lamang sa quesci. Para mas masarap, isawsaw, o isabaw, mo siya sa sukang may sibuyas, bawang, paminta at siling pula. Kung gusto mo na mas maanghang, pwede mo pa siya dagdagan ng siling pula, na siya kong ginawa. Siguro ay limang taon na ang nakalipas mula ng huli akong kumain ng kwek kwek, kaya nagulat ako sa halos dobleng itinaas ng presyo nito. Ang dating limang piso, eh siyam na piso na ngayon. Pambihira. Papasa na siyang pagkain ng mayaman.
Sinunod ko ang fish balls at squid balls sa katabi nitong stall. Alam ko, di mo kailangan mapadpad ng UP para makakita o makatikim ng squid balls, pero sa di maipaliwanag na pangyayari, mula ng nagaral ako sa Baste, eh nawala ang appetite ko para sa fish balls. Parang may fish ball vendor sa UP (na madalas namin kainan ng fish balls noong high school) nagsumpa sa akin na sa naturang lugar lang ako pwedeng kumain nun. Effective! Masarap pala siya, para kong muling natagpuan ang isang pagibig na matagal nawala. Isinawsaw ko sa matamis at maanghang na sauce, hinipan ng konti, SOLVE! Winner talaga ang fish ball ng UP.
Syempre, sa sobrang anghang ng mga kinain ko eh kailangan ko uminom. At dahil gusto ko maging healthy (sinungaling!) eh hindi ako bumili ng coke, pop o ang nauuso ngayon na RC, instead, bumili ako ng isang basong gulaman. Matamis, malasa at malamig na gulaman. Limang piso kada baso, pwede na. Wala talagang tatalo sa pagkain at inuming pinoy.
Isinunod ko ang isaw. Alam kong madaming klase ng isaw, pero mas gusto ko yung isaw na payat, yung isaw ng manok. Mas malasa siya kesa sa isaw ng baboy, sa hindi malamang kadahilanan. Hindi naman sana mas marumi.Pero kahit ano pa man, patok sa panlasa ko ang isaw ng manok, sa presyong pwedeng pwede mong pagsawaan. 2.50/stick. Kahit makalima ka, di masakit sa bulsa.
Medyo ginagabi na ko kaya nagdecide ako umuwi. Pero hindi ng walang baong Ding Dong mixed nuts. Piso isa. Bumili ako ng lima at nginata ko habang lumalakad at nagaabang ng jeep papuntang SM. Huli naman akong nakakain ng ding dong nung huling inom ko kasama ang mga die hard friends and fans ko sa baste,
Kung tutuusin, hindi lang ang mga pagkain ng dahilan kung bakit ako nagbalik tanaw sa mga nabanggit na paglain. Bawat nguya, bawat ngata, may mga tao, lugar, sitwasyon o bagay akong naaalala. Masarap magbalik tanaw, lalo na kung alam mong, sa gunita mo na lamang sila maaring balikan, namnamin, at malasahan.
